Lunes, Pebrero 26, 2018

Ebolusyong Kultura ng Tao





Image result for evolution of man


Ang Sinaunang Panahon

Ayon sa arkeologo at siyentistang nag-aaral ng sinaunang kasaysayan, ang sinaunang panahon panahon ng bato. ito ay nahahati sa dalawang panahon: Ang panahon Paleolitiko sa tinatawag na panahon ng lumang bato at ang panahong Neolitiko o tinatawag Bagong Bato

Ang mga archeological dig ang pinagmumulan ng mayamang
batayan ng pinagmulan ng mayamang batayan ng sinaunang 
kabihasnan. Ang mga fossil o buto namang natatagpuan dito 
ang siyang naghahayag ng taas at 
itsura ng mga ito.

Ang mga anthropologist naman ang sistenstang nag-aaral ng 
kultura at gawi ng mga tao. Sa tulong ng mga artifact at archeological dig.

Ang panahong Paleolitiko ang tinatayang pinakasinaunang panahon. 
Ang salitang Paleolithic ay nagsimula sa mga salitang Griyego 
na "palaios" nangangahulugang "luma" at "lithos" o "bato".



Tatlong  Mahahalagang Bagay na ipinagkaiba nila sa karaniwang mga hayop na kasabay nilang nabuhay noong panahong iyon.

1.) Ginagamit na ng mga taong ito ang kanilang mga kamay bilang panghawak ng mga kagamitan at sandata upang makapangaso at maipagtanggol ang kanilang sarili.

2.) Nakapagsasalita na sila at nakatatanggap ng anumang impormasyon.

3.) Sila ay may higit na malaking utak kasya anumang hayop sa daigdig.


Ebolusyong Kultura ng Tao

Panahong Paleolitiko 

Image result for paleolithic age
       Ang mga tao sa Panahong Paleolitiko ay gumagamit ng mga kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba. ang panahong ito ay naganap may 2 milyong taon na ang nakararaan. 

      Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang paggamit ng APOY. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, kinailangan nilang 
i-angkop ang kanilang sarili sa mga lupaing magmalalamig na klima.




Image result for paleolithic age making fireImage result for paleolithic age making fire
 Dito rin natuklasan ang kainaman ng paggamit ng apoy sa pagluluto. Dahil sa kawalan ng tiyak na pananahanan, natuklasan nila ang pag-iimbak ng pagkain mula sa kanilang pangangaso. Patuloy na pagdami ng tao at nagbibigay-daan sa mesolitiko.



Panahong Mesolitiko

Image result for mesolithic age        Ang mesolithic o Middle Stone Age ay ang nasa pagitan panahong Paleolitiko at panahong Neolitiko. Ang ilang kagamitan tuklas na panahong ito ay ang mga blade, point, lunate, trapeze, craper, at arrowhead. 

       Karaniwan na rni ang mga kagamitang may kombinasyon ng kahoy o buto o di kaya'y balat ng hayop , pagpapalayok, at paggawa ng buslo. ito ang dahilan kung bakit tinawag na kulturang materyal ang Panahong Paleolitiko. 



Image result for mesolithic agePangangaso at pag-iimbak ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, at iba pa ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa panahong ito. Nagsimula rin dito ang  pagpapaamo sa mga hayop tulad ng aso at ligaw na lobo. Natuklasan ng Panahong Mesolitiko ay may mga nakagawin ritwal ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng isang pamilya o kamag-anak na kasapi ng isang pamayanan.

Tinatayang ang panahong ding ito ang naging hudyat ng transportasyon ng tao mula sa pagiging taong barbaro.



Panahahon Neolitiko

Image result for neolithic ageAng panahong neolitiko ay naganap may 10,000 taon na ang nakakaraan. Ang karamihan sa mga tuklas noong panahong ito ay naging batayan ng makabagong panahon. sa panahong ito, natutuhan na ng mga tao na pakinisin, patalasin, at patulasin ang kanilang mga kagamitan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.



Image result for neolithic age weavingAng agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. Sa pamamagitan ng pangangaso, natutuhan, ng taong magsaka at 
maghayupan nagsimula ang kanilang pirmihang paninirahan

Sa panahon ng pirmihang paninirahan, napaunlad ng mga tao ang pagiging malikhain. Lumikha rin sila ng iba pang kagamitan. Natutunan nila ang paghahabi nang tela at pagawa ng kagamitan mula sa luwad at iba pang bagay na kapakipakinabang sa kanilang pamumuhay. Ang relihiyon ay higit ding organisado sa panahong ito.


Panahong Metal


Image result for panahon ng metal

Image result for panahon ng metal


Nabuo ang panahong metal dahil na rin sa patuloy na paglaganap at pagbabago sa lipunan. sa paglaon ng panaho, ang mga kagamitang bato ay napalitan ang mga kagamitang metal at sa pagdaloy pa ng panahon ay napalitan ng tanso, natuklasan naman ang mga sinunang tao ng higit na matitibay na metal na bakal na gamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.





Ang Blog na ito ay gawa nila:
Isiah Gabriel Atchico Arcos
Rein Jhon Lovie Reyes Natividad





4 (na) komento: